π— π—šπ—” π—£π——π—Ÿ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬ π—π—”π—œπ—Ÿ, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π— π—œπ—‘π—’π— π—’π—‘π—œπ—§π—’π—₯ π—”π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘ π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π—›π—˜π—”π—§ 𝗔𝗑𝗗 𝗦𝗧π—₯π—˜π—¦π—¦-π—₯π—˜π—Ÿπ—”π—§π—˜π—— π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—‘π—˜π—¦π—¦π—˜π—¦

Patuloy na minomonitor at binibigyan ng safety needs ang mga PDL o Persons deprived of liberty sa Dagupan City Jail-Male Dorm.

Bilang pinakamalaking jail sa buong Region 1 at malapit sa dagat ang lokasyon ng Dagupan City Jail, iniiwasan ang jail congestion o siksikan sa piitan lalo tuwing sasapit ang summer season.

Ayon sa Jail Nurse na si Maverick Alanzalon, itinuturing na priority ang mga senior citizen o PWD na PDL. Patuloy na binibigay ng health unit ang gamutan ng mga PDL na may maintenance o karamdaman. Pinapayuhan din ang mga ito tuwing mainit sa selda na magsuot ng preskong damit upang hindi lubos maramdaman ang init.

Pagbabahagi pa ni Alanzalon, isang hakbang na ginagawa ng warden ang paglipat sa mga PDL na may sentensya na mula sa korte sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa upang maiwasan ang siksikan sa piitan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments