𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗧 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗧𝗘 𝗖𝗔𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pinaalalahanan ng health authorities ang mga pet owners sa lungsod ng Dagupan ukol sa dulot ng nararanasang mainit na panahon sa mga alagang hayop.

Kasunod ito ng naitalang mataas ng kaso ng animal bite ng City Health Office kung saan ayon sa datos ng tanggapan, umabot sa 4, 523 ang animal bite cases sa unang quarter ng taon, mas mataas kumpara sa 4, 037 sa parehong panahon noong taong 2023.

Ayon kay CHO Officer Dr. Rivera, dahilan ang mainit na panahon kaya mas nagiging agresibo ang mga aso at pusa dahilan ang pagkagat ng mga ito.

Paalala nito na gawin ang ilang mga hakbangin upang mapanatiling komportable ang mga ito dahil maski sila ay hindi ligtas sa nararanasang mainit na panahon.

Samantala, kaugnay nito ay pansamantalang naranasan ang mababang suplay ng anti-rabies vaccination dahil mas dumami ang mga nagtutungo sa CHO upang magpabakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments