Talaga namang bamboo-tiful ang mga produktong gawa sa kawayan na itinampok sa isinagawang Internationalization Week 2024 – Cultural Expo sa Pangasinan State Univerisity Lingayen Campus ng Department of Science and Technology – Philipine Textile Research Institute (DOST-PTRI).
Kasunod din ito ng pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month ngayong buwan ng Setyembre kung saan ipinakita ang iba’t-ibang produktong lokal na gawa sa bamboo textile o kagamitang gawa sa kawayan.
Napabilib ang mga panauhin sa mga bags, barong kasuotan, kwintas at iba pang mga handicrafts na gawa sa bamboo textile.
Layunin nito na maipakita ang kontribusyon at maisulong pa ang lokal na produkto ng probinsya sa buong mundo gamit ang kawayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments