Maari ng makakuha ng pondo para sa mga proyekto ng mga manlilikha sa Pangasinan sa ilalim ng Malikhaing Pinoy Program ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa ilalim ng programa, ang pondo na request ng isang manlilikha ay maaring magamit sa promotion ng kanilang mga obra na pasok sa programa ng Philippine Creative Industries Council.
Ayon kay DTI Pangasinan Head Natalia Dalaten, prayoridad na makakuha sa naturang programa ang apat na lungsod na pasok sa ilalim ng kategoryang Lungsod Lunsad na nagtatampok sa local talents.
Patuloy na hinihikayat ng tanggapan ang mga artists, animators, content creators, videographers, graphic designers bukod sa iba pa na makiisa sa programa upang mabigyan ng karampatang suporta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments