𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

Cauayan City – Sa halip na makatulong ay naperwisyo pa ng matinding pag-ulan ang ilang punlang palay sa Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Bayani Feliciano, ang siyang may hawak ng Committee on Agriculture, marami sa mga punlang palay ang nasira dahil sa malalakas na pag-ulan na naranasan.

Aniya, galing sa City Agriculture Office ang mga binhing ginamit ng ilang mga magsasaka, ngunit ngayong halos nasira ang mga punlang palay ay mapipilitang bumili ang mga ito ng panibagong binhi upang ipunla.


Bagama’t maaari pa rin namang itanim ang mga hindi naapektuhang punla ay hindi na ito sasapat kaya’t kailangan nilang bumili ng binhing pandagdag dito.

Sa ngayon ay hindi naman problema ang suplay ng tubig sa kanilang barangay dahil tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig mula sa irigasyon sa kanilang mga bukirin.

Facebook Comments