𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗧 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗧𝗔𝗡𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘

Nagpa-full tank na ang ilan sa mga PUV drivers maging motorista sa lalawigan ng Pangasinan bago pa tuluyang maimplementa ang karagdagang serye ng malakihang taas presyo sa krudo bukas.

Aasahan na may malaking dagdag presyo sa Gasolina ng nasa P1.10, P.1 55 naman sa Diesel at P1. 40 sa kada litro ng mga nasabing produkto.

Ayon sa mga operators at drivers, sigurado raw muli ang pagpunta ng kinitang pera sa pangkrudo ng mga ito, at bahagyang malaking kabawasan sa iuuwing kita sa pamamasada.

Dagdag pa nila na bagamat hindi raw nasurpresa ang mga ito sa patuloy na paggalaw sa presyo ay dismayado sila sa malakihang umento nito.

Samantala, asahan ang pagpapatupad ng mga oil companies ng oil price adjustment bukas, April 9, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments