𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗗𝘀 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗛𝗬𝗗𝗥𝗢𝗣𝗛𝗢𝗡𝗜𝗖𝗦

Hindi na kailangan ng lupa at malaking espasyo upang makapag tanim dahil sa Hydroponics gardening maari nang palaguin ang ilang gulay at maging kabuhayan.

Yan ang target ng lokal na pamahalaan ng Calasiao kung saan sinanay ng kanilang Municipal Agriculture Office (MAO) ang nasa limampu’t limang ( 25) Person with disabilities (PWDs) sa hydrophonics upang makapagsimula ang mga ito ng kanilang negosyo.

Ayon sa ilang benepisyaryo ng pagsasanay pahirapang makakuha ng trabaho ang mga ito kung kaya’t malaking bagay ang itinurong pamamaraan ng pagtatanim upang sila ay pagkakitaan kahit pa nasa kanilang tahanan.

Nabigyan din ang mga ito ng hydroponic starter kit upang makapagsimula ng negosyo.

Patunay lamang ang mga benepisyaryo sa kasabihan na kapag may itinanim ay may aanihin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments