Nakahanda na ang rescue equipment ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa agaran nitong pagresponde sakaling mangailangan ng tulong ang mga Pangasinense dahil pa rin sa nararanasang tuloy-tuloy na pag-uulan. Nakaantabay din ang mga kawani ng tanggapan upang matugunan ang mga posibleng pagsangguni ng mga maaapektuhang residente sa lalawigan.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng bawat Local Disaster Risk Reduction Management Council sa Region 1 upang matiyak ang maayos na pagbahagi ng mga kinakailangang datos at agarang mahatiran ng tulong.
Sa ekslusibong panayam ng IFM Dagupan kay Office of the Civil Defense 1 Operations Officer Freddie Evangelista, nakaalerto sila sa mga mairereport ng mga DRRMs ukol sa sitwasyong nararanasan ngayon.
Paalala ng ahensya na iwasan muna ang anumang marine activities upang hindi makapagtala ng kaso ng pagkalunod sa rehiyon. Samantala, hanggang sa ngayon ay nananatiling zero casualty ang buong Ilocos Region. |πππ’π£ππ¬π¨