π— π—šπ—” π—₯π—œπ—–π—˜ 𝗙𝗔π—₯π— π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—£π—œπ—‘π—”π—‘π—¦π—¬π—”π—Ÿ

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga rice farmers sa lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na programa ng Department of Agriculture (DA).

Nasa kabuuang limang libong piso bawat isa ang naipamahagi sa isang daan, at limampu’t-siyam (159) na mga magsasakang mula sa iba’t-ibang barangay sa nasabing lungsod.

Kasabay nito ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa hiling ng mga magsasakang DagupeΓ±o na mga kagamitang pansaka, maging patubig at mga pataba.

Samantala, mas pinalawig pa ng pamunuan ng DA ang mga programang bebenipisyo para sa mga magsasaka sa bansa lalong lalo na at nahaharap ang mga ito ngayon sa epekto ng umiiral na El NiΓ±o Phenomenon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments