𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Sa kabila ng nagdaang masungit na panahon, hindi nagpatinag ang ilang mga pangasinense sa pagbisita ng kanilang mga minamahal sa buhay na yumao.

Kahapon, libo-libong residente ang dumagsa sa iba’t ibang sementeryo sa probinsya ng Pangasinan.

Sa Calasiao Public Cemetery, tinatayang nasa limang libo ang bumisita sa mga sememteryo.

May mangilan-ngilan naman na piniling pumunta ng maaga upang hindi maipit sa siksikan pagsapit ng hapon.

Samantala, ilang residente naman ang sumunod sa patakaran ng scheduling sa nasabing bayan.

Sa Buenlag Roman Catholic Cemetery naman sa bayan ng Calasiao, nasa halos isang libo rin ang dumagsa kahapon, partikular bago magtakip silim.

Ayon sa pulisya, peaceful ang sitwasyon sa nasabing barangay dahil tatlong barangay lamang ang bumisita rito.

Sa Dagupan City, aabot sa labing isang libo ang dumagsa sa Dagupan City Roman Catholic Cemetery sa kabila ng nararanasang pagbaha sa ilang parte ng sementeryo.

Ang pagdagsa ng tao sa araw ng undas ay isang tradisyon ng mga Pilipino na nagpapakita ng patuloy na pagpapahalaga sa naging kontribusyon ng mga mahal sa buhay kahit sila ay wala na sa mundo |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments