Hinihikayat ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga lolo at lola sa lungsod na samantalahin ang mga libreng serbisyong medikal upang maalagaan ang kanilang kalusugan.
Inumpisahan na ang pagsasagawa ng medical mission para sa mga ito kahapon kung saan unang tinungo ng City Health Office ang barangay uno. Dinala dito ang libreng Medical Consultation, Laboratory Test para sa FBS, Cholesterol, Uric Acid, Hemoglobin at Urinalysis. Hinihikayat din ang mga senior citizen na nakakaranas ng Osteoarthritis, Cataract, Diabetic Club at Highblood na magparehistro at magpakonsulta.
Maaari ring magkaroon ng pagkakataong makapag parehistro online ang mga elders sa National Commission of Senior Citizens o NCSC.
Samantala, dadalhin ang naturang aktibidad sa lahat ng tatlumpu’t-isang barangay upang matututukan ang kapakanan ng lahat ng seniors ng Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨