𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗛𝗘𝗟𝗟𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦

Nananatiling ligtas ang mga shellfish products mula sa toxic red tide sa Pangasinan, ayon sa pinakabagong inilabas na Shellfish Bulletin No. 05, series of 2024 ng Department of Agriculture – BFAR Ilocos Region.

Ang mga shellfish products na mula sa mariculture areas sa bahagi ng Infanta, Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani ay ligtas kainin dahil walang banta ng red tides.

Sa ibang bahagi sa bansa tulad na lamang sa coastal waters ng Milagros sa Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro Bay sa Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar ay positibo sa red tide o paralytic shellfish poison.

Nagbabala na rin ang mga kinauukulan na hindi ito ligtas kainin dahil sa masamang banta nito sa kalusugan.

Samantala, pinaalalahanan ang publiko na maigi kung may alam sa mga inilalabas na advisories mula sa DA-BFAR at DOH upang maiwasan ang anumang health incident. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments