𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗛𝗘𝗟𝗟𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗗-𝗧𝗜𝗗𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘

Ligtas kainin ang mga shellfish products o lamang dagat na makukuha sa coastal waters ng Pangasinan matapos magnegatibo ang mga ito sa red tide toxin.

Ibig sabihin ang mga shellfish product na nakukuha sa mga baybaying sakop ng Infanta, Alaminos City, Bolinao, Sual, Anda at Rosario, La Union ay hindi kontaminado ng paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit.

Base ito sa kasalukuyang public advisory na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1.

Matatandaan na nagpositibo sa red tide ang labindalawang lugar sa bansa at pinayuhang huwag hanguin o kainin ang mga lamang dagat dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments