Pinaghahandaan na muli ng lokal na gobyerno ng Dagupan City kasama ang ilan pang lokal na ahensya ang mga sunod na hakbang at aksyon kontra baha sa lungsod lalo at paparating na ang panahon ng tag-ulan.
Unang inihayag ni Mayor Belen Fernandez sa facebook live nito na una at prayoridad ang pagbibigay ng sunod na aksyon sa mga bahagi ng lungsod na binabaha tulad ng ilang paaralan at mga barangay na nangangailangan ng road elevation o iba pang infrastructure project.
Isa sa nabanggit nito ay ang pagsasagawa ng road elevation at paglalagay ng drainage system sa tatlong mainroads sa lungsod na lubhang binabaha tulad sa bahagi ng Mayombo.
Samantala, binigyang diin din ng alkalde ang pagkakaroon dapat ng tamang floodgate sa lungsod maging dredging at rehabilitation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨