Pinaiigting pa ng Department of Agrarian Reform Region 1 ang mga support services na kanilang inihahatid sa kanilang mga benepisyaryo.
Sa kasalukuyang data na inilabas ng DAR R1, kabuuang 112,067 ang Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs sa buong rehiyon at nababahagian sa mga support services na inilulunsad ng ahensya.
Ayon kay DAR Region 1 Regional Director Maan Fransisco, siyam ang land reform priorities ang pinaiigting ngayon ng buong Department of Agrarian Reform kung saan ginagawan nang paraan para maimplementa ang mga programa at proyekto para sa kanilang mga benepisyaryo.
Ang mga support services na ito ng ahensya ay Intervention on Land Tenure Problems, Agrarian Justice Delivery, Intervention for Support Services, Intervention for Medical Expenses, Intervention for Educational Expenses, Intervention for Technical Skills, Intervention for Farm-To-Market Roads, Intervention for Diversified Income Sources, at Intervention for Irrigation.
Sa pamamagitan ng mga support services na kanilang pinaiigting ay mas mabilis at mapapabuti ang pamumuhay ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨