Nilagdaan ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno ang Isang Executive Order na na ide-deputize ang 35 TODA Presidents sa bilang katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga kakalsadahan sa bayan.
Sa nilagdaang Executive Order No. 74, inatasan ang mga TODA presidents bilang bagong mga deputized POSO enforcers ng tanggapan.
Saklaw ng kanilang tungkulin ay ang kaisa sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko, maging ang pagbantay sa mga parking areas maging sa mga pampublikong pamilihan.
Bahagi pa ng pagiging bagong POSO member ay ang pagmonitor sa mga kolorum na sasakyan sa bayan.
Samantala, sasailalim ang mga ito sa pagsasanay bago pormal na ma-italaga sa kanilang bagong katungkulan simula December 1, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments