Tuloy pa rin ang panawagan ng mga tricycle driver sa Dagupan City ukol sa hinihiling nilang dagdag pasahe para sa kanilang pamamasada lalo at nakararanas umano ang karamihan sa kanila ng pagtumal ng kita.
Suportado ng ibat ibang TODA groups sa lungsod ang naturang dagdag pasaheng nais ng mga tricy drivers lalo pa at nalalamangan pa sila umano ng mga kolorum ng na mga tricycle kesa sa kanila na rehistrado at may pagkakakilanlan sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa ilang mga tricycle drivers na rehistrado at miyembro ng TODA, malaking kabawasan rin umano sa kanila ang pang-aagaw ng mga kolorum na mga tricycle drivers sa mga pasahero at madalas pa silang madamay sa singil ng mga ito na umaabot sa trenta hanggang singkwenta pesos.
Pinabulaanan ng ilang rehistradong tricycle drivers na naniningil sila ng lagpas sa minimum fare na nakasaad.
Tumatalima umano sila sa takdang pasahe kung kaya’t hiling nila ang pagtaas sana nito kahit kaunti lalo pa at pabago-bago ang presyo ng mga bilihin at maging ng produktong petrolyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments