Umaasa ang ilang jeepney driver sa Dagupan City na magtutuloy-tuloy ang oil price rollback na ipinatupad ng ilang oil companies.
Anila, sana’y magtagal umano ito upang makabawi man lang sa mga araw na wala umanong silang kita dahil sa sunod-sunod na kanselasyon ng klase.
Bagamat mababa umano ang bawas sa presyo, okay na raw ito kaysa wala.
May bawas sa presyo ng gasolina na nasa P0.85 kada litro, diesel na nasa P0.75 kada litro, at kerosene na nasa P0.90 kada litro.
Ayon sa Department of Energy, bunsod ng mga paggalaw sa pandaigdigang merkado ng langis ay pagbabago sa presyo nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments