Tiniyak ng ilang mga jeepney drivers sa lalawigan ng Pangasinan ang ilang mga hakbangin upang maibsan ang init na nararamdaman bunsod ng pagkakatala ng mataas na heat index sa lalawigan.
Ilan sa mga ito nagdadala na ng baong tubig lalo na ang mga tsuper na magtatagal sa isang arawang pamamasada habang ang ilan nagpapahinga ng higit isang oras pagpatak mula alas dose ng tanghali kung saan higit na nararanasan ang init ng araw.
Nagpaalala rin ang Autopron One Pangasinan Federation na tututukan ng mga tsuper ang kanilang kalusugan kasunod ng naitalang tatlong nasawing mga jeepney drivers at operators sa Pangasinan dahilan ang heat stroke.
Samantala, hinikayat ang mga pumapasada lalo ang mga may comorbidities na magtungo sa pinakamalapit na health center o ospital sakaling makaranas ng sintomas ng mga heat related illnesses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨