𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗟𝗜𝗠𝗚𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗝𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦𝗘 𝗩𝗜𝗞𝗧𝗢𝗥𝗜𝗔 𝗠𝗘𝗝𝗜𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗟𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰

Hindi nagpahuli ang kandidata ng Pangasinan sa Miss Grand Philippines 2024 sa Press Presentation na ginanap sa Makati City.

Ipinakita ni Miss Limgas na Pangasinan Grand 2024 Jenesse Viktoria Mejia ang kaniyang galing sa pagrampa at pagsagot sa katanungan ng mga press noong Lunes.

Nagsimula ang karera nito sa beauty pageant noong 2017 kung saan nasungkit ang pagiging Campus Queen sa kanilang paaralan.

Bitbit nito ang pangalan ng lalawigan sa prestihiyosong pageant kung kaya’t ibibigay niya umano ang kaniyang makakaya upang maiuwi ang korona sa September 29, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments