𝗠𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗜

Patay ang isang 35 anyos na construction worker na lalaki matapos na matagpuang nakabigti sa labas ng kanilang tahanan sa Bani, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alaskwatro trenta ng madaling araw nang makita ng asawa ng lalaki ang katawan nito na nakabigti gamit ang isang cable extension wire sa labas mismo ng kanilang bahay.

Bandang alas sais trenta ng umaga pa tuluyang naireport ng asawang babae ang pagkakatuklas sa naturang insidente. Nagpapatuloy ang post mortem examination sa biktima. Ayon sa asawa nito, may problema sa pamilya ang kaniyang mister. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments