𝗠𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗜𝗦 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead on arrival matapos magtamo ng severe injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mister na kinilalang si Bernabe De Guzman habang sugatan naman ang misis nito matapos masangkot sa aksidente sa Brgy. Talang, San Carlos City.

Sa salaysay ng pamilya ng biktima, bibili lang sana ng pandesal ang mga magulang nang mangyari ang insidente. Bigla na lamang umanong sumalpok sa minamanehong tricycle ang isang motor.

Kalunos lunos ang sinapit ng mister dahilan ng pagpanaw nito habang sugatan naman at nasa pagamutan ang driver ng motorsiklo.

Bukas naman ang pamilya ng biktima na makipag-areglo sa driver ng motorsiklo sa kondisyon na sasagutin nito ang gastos sa pagpapalibing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments