𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗟𝗜𝗖𝗘𝗡𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Nakatakdang muling magsagawa ng Mobile Licensing ang Land Transportation Office Cauayan District ngayong darating na ika-20 ng Hulyo, sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela.

Sa inilabas na anunsyo ng LTO-Cauayan District, kabilang sa serbisyong hatid ng Mobile Licensing ay ang pag-isyu ng Student Permit at Renewal of Driver’s License para sa mga motorista.

Para sa mga nagnanais na mag-renew ng kanilang mga lisensya, kailangan lamang magdala ng mga dokumento kabilang na ang Medical Certificate, Drivers License, Affidavit of Loss para sa mga nawala ang lisensya, kopya ng kanilang Valid ID, Photocopy ng PSA Marriage Certificate, PSA Birth Certificate, Brgy. Certificate o Proof of Billing.


Samantala, bukod sa Mobile Licensing, maghahatid rin ng libreng Theoretical Driving Course ang LTO para sa mga nagnanais na lumahok sa nabanggit na aktibidad.

Facebook Comments