π— π—’π—•π—œπ—Ÿπ—˜ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—’π—–π—”π—Ÿπ—–π—œπ—©π—œπ—Ÿ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯𝗬 π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗑𝗗𝗔𝗑 𝗨𝗠𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—žπ—”π——π—” π—‘π—”π—‘π—š π— π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗦𝗔 π— π—šπ—”π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜

Umarangkada nang muli sa pag-iikot ang Local Civil Registry ng bayan ng Mapandan sa mga nasasakupan nitong barangay makapag-abot ng libreng serbisyo sa mga residente.
Sa pamamagitan ng Mobile Registration project ng LGU Mapandan maaabot ng ahensya ang mga residente nito na nangangailangan ng tulong o may problema sa kani-kanilang mga dokumento gaya na lamang sa late birth registration, libreng konsultasyon para sa mga may pagkakamali sa kanilang mga birth, marriage, at death certificate maging sa libreng pagpapatala sa kasalang bayan sa taong 2024.
Una nang binisita ng naturang Mobile Registration ng Local Civil Registry noong ika-22 ng Nobyembre ang Barangay ng Nilombot, Pias, Golden, Aserda, Sta. Maria.

Sa darating na ika- 28 ng buwan hanggang unang araw ng Disyembre muli itong mag-iikot sa Brgy. AMANAWAK (Amanoaoac), Poblacion, Baloling, Coral, Lambayan, at Primicias, . Sa Disyembre 1 pupunta Ito sa Brgy. ng Jimenez, Torres, at Luyan.
Hinihimok ng LGU ang mga residenteng madadaanan ng tulong ito na tangkilikin ang serbisyong ito ng ahensya. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments