Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga programang magtataguyod sa mother and child healthcare sa pamamagitan ng Barangay First 1,000 Days (BF1KD) at Early Childhood Care Development (ECCD) sa probinsya.
Alinsunod dito ang aprubadong resolusyon kung saan nakatakdang lumagda si Gov. Guico III kasama ang Helen Keller International, isang US-based non-governmental organization sa isang Memorandum of Understanding (MOU) upang mapagtibay at maisakatuparan ang nasabing programa.
Layon nitong mapabuti at masuportahan ang kapakanang pangkalusugan ng parehong nanay at anak kasunod ng Republic Act 11148, o mas kilala bilang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag Nanay Act,”.
Samantala, kung epektibo ay mauuna itong maiimplementa sa mga bayan ng Malasiqui, Manaoag, Mangatarem, Mangaldan, and San Fabian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨