𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

Dead on arrival sa pagamutan ang isang bente singko anyos na binata matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Bayambang.

Ang biktima ay nakilalang si Dabon Carreon residente ng Brgy. Tambac sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanyang motor ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Ligue sa nasabing bayan pasado alas dos ng madaling araw nang bigla umanong mabangga nito ang boundary marker ng DPWH.

Sa lakas ng impak ay tumilapon pa ito at tumama sa sanga ng mangga na dahilan upang magtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagawa pa itong isugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments