𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗢𝗡𝗘-𝗪𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗧. 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔

Epektibo ngayon, January 6, ang muling pagpapatupad ng one-way traffic scheme partikular sa kahabaan ng Arellano St. kasunod pa rin ng nagpapatuloy na road constructions sa Dagupan City.

Matatandaan na una itong inemplementa noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon upang bigyang daan ang mga road projects sa lungsod at ni-lift o ipinatupad din noong December 15, 2023 ang pagbabalik ng two-way traffic scheme.

Pagkatapos naman ng holiday break ay muling nagpapatuloy sa operasyon ang mga contractors upang mas mapadali ang pagtapos sa proyekto bilang hiling din ng alkalde na bilisan ang nasabing proyekto.

Asahan naman na muling mararanasan ang ilang mga suliranin sa daloy ng trapiko bunsod nito.

Samantala, matatandaan na layon ng road elevation at drainage upgrade na maibsan ang problema sa pagbaha sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments