𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡

Isinagawa ang Isang Environment Awareness Seminar para sa mga commercial establishments sa lungsod ng Alaminos.

Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang mga negosyante ukol sa pangangalaga ng kalikasan.

Tinalakay ang mga batas pangkalikasan na dapat na sundin at malaman ng mga dumalo tulad ng Ecological Solid Waste Management Act, Clean Air Act, Clean Water Act, at Toxic Substances Control Act.

Sa naturang seminar, Ibinahagi rin sa mga ito ang kahalagahan ng pagkuha ng mga establisyimento ng Environmental Compliance Certificates at iba pang permit sa hazardous waste.

Mahalaga na malaman ng mga negosyante ang naturang batas upang hindi nagdulot ng panganib sa kalikasan ang operasyon ng kanilang negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments