๐— . ๐—›. ๐——๐—˜๐—Ÿ ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ฆ๐—ง. ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”

Bukas na muli para sa mga motorista simula kahapon ang kalsada sa bahagi ng M. H. Del Pilar Street sa Dagupan City matapos na makumpleto ang phase one ng konstruksyon nito.

Maaari na muling dumaan ang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga jeep na may rutang papuntang Bonuan at iba pang mga motorista.

Ang mga motorista at komyuter, ikinatuwa ang pansamantalang pagbubukas muli ng naturang kalsada dahil mas mapapadali ang kanilang byahe at pagpunta sa kanya-kanyang trabaho.

Kinumpirma naman ng alkalde ng lungsod na dadaanan din ng mga street dancers sa gaganapin na Gilon-Gilon sa April 26 ang naturang kalsada at dadaanan rin ang buong bahagi ng Downtown.

Susunod naman na isasagawa sa naturang bahai ang phase two nito ngunit sa ngayon ay maaari muna itong daanan ng pampublikong sasakyan at iba pang motorista. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments