𝗡𝗔𝗚𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗔𝗜𝗗 𝗢𝗟𝗬𝗠𝗣𝗜𝗖𝗦 𝗔𝗧 𝗕𝗥𝗢𝗗 𝗖𝗛𝗔𝗟𝗟𝗘𝗡𝗚𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡

Cauayan City – Binigyang parangal ng LGU Cauayan at Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga nagsipagwagi sa naganap na First Aid Olympics at Responders on Disaster Challenge 2024.

Sa First Aid Olympics 2024 Inter-Agency Task Force Category nasungkit ng BFP Cauayan ang kampyonato, habang sa barangay category inihayag rin bilang Champion ang Brgy. Villa Luna, Cauayan City, Isabela.

Samantala, sa BROD Challenge nasungkit ng PNP SWAT team ang pagkapanalo sa Inter-Agency Task Force Category, KAAKIBAT Civicom naman ang nagwagi sa Volunteer Groups Category, habang nakuha rin ng Brgy. Marabulig 1 ang kampyonato sa Barangay Category.


Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay CDRRMO Head Ronald Viloria, labis nitong ikinatuwa ang matagumpay na pagsasagawa ng patimpalak ngayong taon.

Aniya, sa susunod na taon ay inaasahan nilang muli ang aktibong partisipasyon ng bawat barangay kaya’t mas paghahandaan pa nila ang magaganap na ika-9 na taong pagsasagawa ng kompetisyon.

Facebook Comments