𝗡𝗔𝗜𝗣𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗦𝗨𝗥𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗚𝗔𝗥𝗗𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗛𝗨𝗠𝗨𝗛𝗨𝗣𝗔

Hindi pa rin humuhupa at bahagya pa ring malalim ang naipong tubig dagat sa bahagi ng japanese garden sa Bonuan tondaligan beach dulot ng storm surge na epekto ng nagdaang bagyong Kristine.

Ang japanese garden ang madalas na puntahan at tambayan ng mga residente at lokal na turista bilang isa ito sa pook pasyalan sa lungsod na malapit sa baybayin ng Tondaligan.

Bagamat mas malalim ang tubig baha noong mga nakaraang araw ay nagkaroon lamang ng kaunting pagbaba sa lebel nito.

Samantala, ilang bahagi sa Tondaligan Beach ay wala ng tubig dagat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments