𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗞𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟯𝟬𝗞

Ayon kay Office of the Civil Defense Region 1 Spokesperson Adreanne Pagsolingan, nasa 35, 472 na mga pamilya o katumbas ang 132, 391 na mga indibidwal ang apektado ng bagyo. Mula ang mga ito sa lalawigan ng La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Nakauwi na ang lahat ng mga indibidwal sa kanilang tahanan.

Mayroong naitalang isang nasawi bagamat patuloy itong kinukumpirma kung ito ba ay typhoon related, habang wala namang naitalang nawawala.

Samantala, patuloy ngayon ang pamamahagi ng tulong para sa mga naapektuhang residente ng mga member-agencies at mga lokal na pamahalaan sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments