Nasa mahigit isang daan o kabuuang bilang na isang daan at pitong (107) bagong kaso ng COVID 19 ang naitala ng Department of Health Ilocos Region sa buong rehiyon.
Sa datos ng ahensya, naitala ang nasabing bilang mula May 19 hanggang May 25 kung saan nasa labinlima ang average na bilang ng naitatalang bagong kaso kada araw.
Hindi inaalis ng DOH ang pagpapaala sa publiko kaugnay sa mga kinakailangang hakbangin o mga minimum protocols tulad ng pagsusuot ng face mask upang mapababa ang tyansa ng pagkakahawaan.
Kaugnay pa nito, patuloy na minomonitor ng World Health Organization (WHO) ang sitwasyon ukol sa bagong variant ng COVID-19 na KP.2 at KP.3 o mas kilala bilang “FLiRT.”
Samantala, sa lungsod ng Dagupan, umiiral ang “No Face, No Entry” na epektibo sa lahat ng empleyado ng gobyerno upang malabanan ang banta ng naturang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨