Nasa halos isang daan o kabuuang bilang na siyamnapuβt-isa (91) na bagong kaso ng COVID 19 ang naitala ng Department of Health Ilocos Region sa buong rehiyon.
Sa datos ng ahensya, naitala ang nasabing bilang mula May 26 hanggang June 1, 2024 kung saan nasa labintatlo (13) ang average na bilang ng naitatalang bagong kaso kada araw.
Mas mababa naman ito kumpara sa naitalang bilang noong May 19 hanggang May 25 na nasa 107 COVID-19 cases.
Hindi inaalis ng DOH ang pagpapaala sa publiko kaugnay sa mga kinakailangang hakbangin o mga minimum protocols tulad ng pagsusuot ng face mask upang mapababa ang tyansa ng pagkakahawaan.
Samantala, sa lungsod ng Dagupan, umiiral ang βNo Face, No Entryβ na epektibo sa lahat ng empleyado ng gobyerno upang malabanan ang banta ng naturang sakit. |πππ’π£ππ¬π¨