𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝟰𝟰°𝗖

Umakyat sa 44°C ang naitalang heat index sa lalawigan ng Pangasinan kahapon, ayon sa PAGASA. Ito ay nasa ilalim na ng Danger level ng PAGASA.

Dahil dito, nagpaalala ang awtoridad na ugaliing uminom ng tubig at magsuot ng preskong kasuotan upang maiwasan ang heat exhaustion, heat cramps at heat stroke. Sa kabila nito, inaasahang makararanas pa rin ng mga pag-uulan sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan dulot ng mga localized thunderstorm.

Ilang mga bahagi rin sa bansa ang nakaranas ng mataas na heat index sa ilalim ng extreme caution o danger category.

Pinaalalahanan muli ang publiko na magdala ng panangga sa ulan man o araw at uminom ng tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments