𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝟮𝟴%

Tumaas ng dalawampu’t-walo o 28% ang bilang ng kaso ng Dengue na naitala sa lalawigan ng Pangasinan sa unang mga buwan pa lamang ng taong 2024.

Ayon sa Pangasinan Provincial Health Office, pumalo na sa 184 ang kaso ng Dengue mula January 1 hanggang nito lamang February 12 ngayong taon, mas mataas kumpara sa 144 na kaso lamang sa parehong petsa noong taong 2023.

Matatandaan na mayroon na ring isang nasawi dahil sa naturang sakit, bunsod ng lumalalang kondisyon kaya payo ng health authorities na hindi kailangan ang self-medication sa ganitong uri ng mga sitwasyon.

Nananatiling may pinakamataas na kaso ng Dengue ang lalawigan ng Pangasinan kumpara sa mga probinsya ng La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte sa buong Region 1.

Muling pinaalalahanan ang publiko na ugaliing magpakonsulta sa pinakamalapit na mga ospital at health centers sakaling makaranas ng mga sintomas ng Dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments