Dalawang buwan makalipas ang pag -apruba sa Provincial Ordinance No. 325-2024 o ang Mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest ng mga motorista sa Pangasinan, inaasahang bababa ang naitatalang bilang ng vehicular accident sa probinsya.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa may akda ng naturang ordinansa na si 4th District Board Member Jerry Rosario, bagamat medyo maluwag ang pagpapatupad ng implementasyon nito , sinabi niyang ito ay pagbibigay daan lamang upang hindi mataga sa multa ang mga lalabag.
Sa ngayon kasi aniya marami namang mga Pangasinense ang sumusunod sa naturang ordinansa. Base sa naturang ordinansa ipinag utos ang pagsusuot ng ng HIGH-VISIBILITY REFLECTIVE VEST, LUMINOUS-COLORED GARMENTS at paglalagay ng pailaw mula alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga.
Saklaw ng ordinansang ito ang lahat ng drivers at riders ng motorsiklo, tricycle, bisikleta, e-bike, at e-trike.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng 1,000 pesos hanggang 5,000 o di kaya ay pagkakakulong. |πππ’π£ππ¬π¨