Timbog ang isang truck helper matapos pagnakawan ang isang nakaparadang truck sa Brgy. Pindangan West, Alcala, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, sa kasagsagan ng bagyong pepito, ninakaw ng 24 anyos na lalaking suspek ang battery ng truck na pagmamay-ari ng kapitan sa lugar. Nabisto ang pagnanakaw nito sa baterya nang biglang namatay ang ilaw sa kanilang tahanan na pansamantalang ginagamit sa mga oras na iyon.
Hindi na nakalayo ang suspek matapos mahuli ito ng driver ng truck. Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa tamang disposiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments