Nilinaw ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Anda na walang naganap na Fish Kill sa bayan ngayong linggo.
Ito mismo ang paglilinaw ni Anda Municipal Agriculturist Elizabeth Tomas sa Isang online press conference at sa inilabas na pahayag ng BFAR Region 1.
Ayon Kay Tomas, tinawag nila ang insidente na Isolated Fish Mortalities kung saan ay isa sa tinitignang idahilan ang biglang pag-apaw ng tubig na naranasan nitong Hunyo 4.
Ito ay bilang pagbibigay-linaw sa nauna ng lumalabas sa mga social media post na Fishkill ang nasabing insidente.
Bago umano ito ay nakaranas na ng tinatawag na neap tides ilang mga pangisdaan sa nasabing bayan.
Ang nasabing insidente ay nagresulta ng tinatawag na preemptive harvesting sa aabot sa mahigit isang daang fish cages na bagong dahilan ng pagdami ng suplay at pagbaba ng presyo nito kung saan ay umabot ng 70 hanggang 80 pesos ang kada kilo ng farm gate price ng mga bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨