Ipinaliwanag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang patuloy na nararanasang mataas na presyuhan sa produktong bigas sa merkado.
Ayon sa kanya, hindi lamang umano bansang Pilipinas ang nakararanas ng pagtaas sa presyo dahil maging mga exporting countries ay nakararanas din nito.
Bilang pagtugon, aniya na ginagawan ng aksyon upang maging sapat ang produksyon ng bigas at hindi na kinakailangan pang mag-import.
Sa kaugnay na balita, inilabas nito lamang na una sa listahan ang bansang Pilipinas na may pinakamataas na rice imports na pumalo sa 3.8 million metric tons.
Isa umano sa tinututukan ay ang pagstabilize sa presyo ng bigas.
Sa Pangasinan, nanatiling mataas bagamat kumpara noong nakaraang buwan ay bumaba na ito ng hanggang dalawang piso sa kada kilo ng bigas, at inaasahan pang bababa ito sa pagpasok ng buwan ng Marso dahil sa peak harvest season ng palay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨