Namataan kahapon ng ilang indibidwal sa Lucao District, Dagupan City ang Douglas DC-8-72 aircraft ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).
Sa kuhang larawan ni Reyver Vidal, bandang alas kwatro y media ng hapon kahapon nang mamataan sa nasabing lugar ang eroplano ng NASA.
Ayon sa mga source, kasalukuyang nagsasagawa ng air quality research ang NASA’s Airborne and Satellite Investigation of Asian Air Quality (ASIA-AQ) science mission ang kanilang aircraft na rehistrado bilang aircraft N817NA kung saan target na makalipad at makapag -ikot- ikot ang eroplanong ito sa ilang bahagi ng Pilipinas para pag-aralan ang kalidad ng hangin sa bansa bilang parte ng international collaboration.
Target ng NASA na makaikot ito ng apat na beses sa pagitan ng February 5 at 14 ngayong taon.
Dinala ng ASIA-Air Quality ang mga international experts mula NASA United States, South Korea’s National Institute of Environmental Research (NIER), Universiti Kebangsaan Malaysia (UKM), at Thailand’s Geo-Informatics and Space Technology Development Agency (GISTDA) para sa pagsasagawa ng pag-aaral sa hangin katuwang ang mga inhinyero at air quality specialist ng DENR’s Environmental Management Bureau ng Pilipinas.
Samantala, ang ibang mga ahensya sa mga bansa sa Timog-silangang Asya ay sasali rin upang pag-aralan ang polusyon sa hangin sa rehiyon mula sa kalawakan hanggang sa ibabaw ng kalupaan.
Dagdag pa ng NASA, sa unang beses nagawa ang pag-combine ng mga satellite, ground-based, at airborne observations sa mga rehiyon na may layuning mapag-aralan at maintindihan ang isyu sa local air quality gayundin ang magiging interpretasyon ng mga satellite ukol sa hangin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨