Ipinamahagi sa bayan ng Manaoag ang nasa pitong daan o 700 na mga xmas grocery packs mula kay Vice President Sara Duterte.
Ang mga naturang grocery packs ay naipamahagi sa iba’t-ibang sektor ng lokal na pamahalaan tulad ng mga market traffic enforcers, street sweepers, utility at ilan pang empleyado nito.
Ang mga naturang packs ay naglalaman ng mga bigas at noche buena pack kung saan malaki na ang maitutulong para makabawas sa pagba-budget ng mga ito para sa paghahanda sa pasko at bagong taon.
Buo naman ang pasasalamat ng alkalde ng bayan kay VP Sara Duterte dahil sa pagbibigay nito ng pamasko sa mga Manaoageño.
Matatandaan na nito lang ay bumisita ang Bise-Presidente sa bayan noong nakaraang buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments