𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗦𝗧𝗨𝗠𝗘 𝗡𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟰

Bumida ang isang Pangasinense matapos nitong maipakita ang kaniyang galing sa pagdidisenyo ng National Costume sa isang international Pageant.

Si Simeon Cayetano, tubong Urdaneta, Pangasinan, ang napiling gumawa ng national costume ni Ms. Egypt sa Miss Universe 2024.

Aniya,pinadalhan mismo ito ng mensahe ng National Director ng Miss Universe Egypt matapos maipanalo ang gawa niyang costume sa Miss Cosmo 2024.

Pinag-uusapan ang gawa nitong Egyptian Queen Cleopatra costume na simbolo ng pamumuno at kapangyarihan ng mga kababaihan.

Bagamat designer ng kasuotan ng Miss Egypt, todo rin ang suporta nito sa pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo.

Samantala, ipinagmamalaki naman si Simeon ng kanyang mga kababayan sapagkat bumibilang na ito sa hanay ng mga Filipino designer na nagbibigay karangalan para sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments