Isinusulong ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang planong National Farm-to-Market Road matapos isagawa ang pagsasanay para sa lokalisasyon ng nasabing programa ng gobyerno sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa isinagawang tatlong araw na pagsasanay sa bayan ng Lingayen, binigyang-diin ni Department of Agrarian Reform (DAR) 1 Regional Director Maria Ana Francisco, ang isinusulong na programa ay may layuning mapabilis ang transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka mula sa mga sakahan o palaisdaan patungo sa merkado.
Dagdag pa niya, na makatutulong umano ang proyektong ito sa pagpapabilis ng pagdating nito sa mga pamilihan nang sila ay kumita rin agad.
Ang naturang plano ay iimplementa sa buong bansa katuwang ang iba pang ahensya, tulad ng DTI, DPWH, DILG, DTI, at DOT. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨