𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗠𝗘𝗞𝗔𝗡𝗜𝗞𝗢, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Napasakamay ng mga kapulisan ang isang negosyante at isang mekaniko matapos maaresto ang mga ito sa ikinasang drug buy-bust operation kahapon, ikalawang araw ng Agosto sa bayan ng Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na si Alyas “Rey” at Alyas “Meng”, kabilang sa mga nasa listahan ng Street Level Individuals.

Nakumpiska mula sa mga ito ang buy-bust item 2 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at P1000 buy-bust money.


Bukod pa rito, nasamsam rin sa kanilang pag-iingat ang isang container na mayroong isa pang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at iba pang non-drug items.

Samantala, matapos ang tagumpay na pagkakadakip ay dinala sa himpilan ng Roxas Police Station ang mga suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments