Sugatan ang Isang 46 anyos na ginang matapos itong pagsasaksakin ng dalawang kalalakihan habang bumibili ng Palay sa compound ng Isang barangay kagawad sa Brgy. San Isidro, Rosales.
Ang biktima ay residente ng Brgy. Sicsican,Talavera Nueva Ecija. Ayon sa pulisya, pwersahang tinangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang bag ng ginang na nagkakahalaga ng 670,000.
Sinubukang manlaban ng biktima ngunit pinagsasaksak ito sa kanyang likod gamit ang ice pick at pinaputukan ng baril.
Mabilis na nakatakas ang dalawa gamit ang motorsiklo habang ang biktima ay Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Nagsagawa na ng drag net operation ang awtoridad upang mahuli ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments