π—‘π—˜π—§π—œπ—­π—˜π—‘π—¦, π—‘π—”π—£π—”π—‘π—¦π—œπ—‘ π—”π—‘π—š π—›π—œπ—‘π——π—œ π—£π—”π—šπ——π—”π—Ÿπ—’ π—‘π—œ 𝗖𝗔𝗧π—₯π—œπ—’π—‘π—” π—šπ—₯𝗔𝗬 𝗦𝗔 π—•π—œπ—₯𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 π—‘π—œ 𝗦𝗔𝗠 π— π—œπ—Ÿπ—•π—¬

CAUAYAN CITY – Palaisipan sa mga netizens ang hindi pagdalo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa birthday party ng kanyang fiancΓ© na si Sam Milby.

Hindi rin binati ng beauty queen ang aktor sa kanyang social media accounts na dati naman ay ginagawa ni Catriona sa mga nakaraang birthday ni Sam.

Dahil dito, nagkaroon ng mga haka-haka at balita na totoong hiwalay na ang dalawa.


Ginanap ang kaarawan ng aktor sa Manila House Private Members Club sa Taguig City na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Unang umingay ang balitang hiwalayan ng dalawa ng burahin ni Catriona sa kanyang Instagram ang engagement photos nila ni Sam at ng mapansin din ng mga netizens na hindi suot ng beauty queen ang engagement ring nito.

Facebook Comments