Ipinatupad ng lokal ng pamahalaan ng Bangar, La Union ang ‘No Fishing, Sailing at Swimming Policy’ dahil sa banta ng storm surge bunsod ng Bagyong Nika.
Nakasaad sa abiso ng lokal na pamahalaan na maaring umabot ng moderate to high risk ang storm sa susunod na 48 oras base na rin sa abiso ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang monitoring at paghahanda ng MDRRMO at labis na pinag-iingat ang mga residente malapit sa mga creek o ilog dahil sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig dulot. Inabisuhan rin ang mga ito na lumikas na ng maaga kung kinakailangan nang maiwasan ang malalang epekto.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments