𝗑𝗒 π—›π—˜π—Ÿπ— π—˜π—§, 𝗑𝗒 𝗧π—₯π—”π—©π—˜π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗑𝗗𝗔𝗑, π—œπ—£π—”π—§π—¨π—§π—¨π—£π—”π——

Ipatutupad sa bayan ng Mapandan at ng hanay ng PNP ang No Helmet, No Travel sa naturang bayan simula sa June 1, 2024.

Ang nakatakdang pagpapatupad ng patakarang ito ay pagpapanatili sa kaligtasan ng mga residente sa kakalsadahan.

Pagpapalakas rin umano ito sa prayoridad ng kapulisan roon na mabigyan ng kaligtasan at pangangalaga ang kanilang nasasakupan.

Dapat lamang umano na masigurong ligtas ang byahe ng bawat indibidwal sa kanilang lugar.

Ang naturang patakaran naman ay ipinatupad sa ilalim ng lokal na pamahalaan roon kasama ang hanay ng PNP Mapandan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments