‘𝗡𝗢 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗖𝗥𝗜𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗢 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗜𝗡𝗘’ 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬, 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Istriktong ipapatupad na umano sa bayan Mangaldan ang “no prescription, no medicine” policy upang masigurado umano ang kaligtasan ng mga senior citizens.

Layunin ng nasabing polisiya na mapangalagaan ang mga senior citizens sa kanilang intake ng mga gamot, partikular ang mga gamot na pang maintenance.

Samantala, sa Brgy. Gueguesangen, maapektuhan umano sila lalo na’t sila ay libreng nagbabahagi ng gamot sa mga senior citizen sa kanilang barangay health center kahit walang preskripsyon. Tanging takbuhan ito umano ng mga senior citizen lalo na’t ang iba sa kanila ay wala umanong perang pambili ng gamot.

Gayunpaman, naunawaan naman ito ng mga senior citizen, kung saan tiniyak naman ng mga opisyales sa mga barangay ng Mangaldan na sapat ang maitatabing suplay ng gamot para sa mga nangangailan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments